Trending online ang nakatutuwang gimik ng isang volleyball player sa Nasugbo, Batangas.

Meet  Christian Deleola. Siya ay kinagigiliwan online dahil sa bawat pagpalo ng bola ng kalaban ay nasasalo niya with matching tubling at split pa!

Sa Unang Balita nitong Huwebes, makikita sa video mula sa GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, nagta-tumbling with matching split pa si Christian sa pagpalo ng bola galing sa kalaban.

Ayon sa ulat, libero (sweeper) ang role ni Christian sa team, ibig sabihin kahit saan mapunta ang bola ay kailangan niya itong ma-save o matira upang hindi makapuntos ang kalaban.

Ayon kay Christian, matagal na niyang hilig ang paglalaro ng volleyball, pero hindi umano niya inakala ang pagpatok sa netizens ng kanyang mga gimik sa paglalaro.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 4.8 milyon views na ang kanyang video sa Facebook, habang 16.2 milyon naman sa TikTok.—GMA News