Hindi lang isa o dalawa, kung hindi 20 ang puso na tumubo sa isang puno ng saging sa Naga City, Camarines Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Biyernes, sinabing agaw-pansin at pinusuan ng mga residente ang pambihirang puno ng saging na makikita sa Barangay San Isidro.

Ayon sa Naga City Agricultural Office, hindi karaniwan sa isang puno ng saging ang magkaroon ng mahigit sa limang puso.

Pero kahit na 20 ang naging puso sa puno ng saging, hindi raw nangangahulugan na magiging buwig ang lahat ng puso o magiging prutas na saging.-- FRJ, GMA Integrated News