Natigil ang masarap na salu-salo ng mga kostumer sa isang hot pot restaurant sa Washington, USA nang biglang may sumalpok na kotse at pumasok sa loob ng kanilang kinakainan.

Sa video ng GMA Integrated Newsfeed, makikita sa CCTV footage ang mabilis na arangkada ng kotse na paatras hanggang bumangga at pumasok sa restaurant.

Nagulantang mga customer at ilan sa kanila ang muntik pang maipit.

Halos tatlong lamesa ang tinumbok ng kotse at tatlong biktima ang dinala sa pagamutan.

Sa isang pahayag ng restaurant, sinabi nito na wala namang malubhang nasaktan sa nangyari, na kanilang labis na ipinagpapasalamat.

Pero dahil sa tinda ng pinsala, kailangang isara muna na pansamantala ang resutaurant para ayusin.

Iniimbestigahan naman ng mga awtoridad ang dahilan ng pagsalpok ng kotse sa loob ng kainan.-- FRJ, GMA Integrated News