ADVERTISEMENT
Filtered By: Cbb
Community Bulletin Board
Rock N Roll sa Ulan art exhibit pays tribute to Pinoy rock
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mga pare! Tag-ulan na naman! Uso na naman ang baha, trapik, tsaka pila! Pero siyempre, mga ‘tol, kahit na anong mauso, Pinoy rock pa rin tayo! Tama ‘yan! Kesa magtago at sumilong, tara, magtampisaw tayo sa labas! ‘Wag pansinin ang mga hassle! ‘Wag mag-freak out! Kasi ang PINTIG Art Circle may art exhibit para magbigay pugay sa Pinoy Rock!
Rock N Roll sa Ulan!
Mula dekada 70 hanggang sa kasalukuyan, mula surrealist, abstract, at ano pang ka-weirdohan, rock and roll lang ang usapan!
Bakit? Simple lang! Kasi hinding-hindi mawawala ang Pinoy Rock! Ano man ang panahon, palaging may Pinoy na babanat sa gitara, palaging may Pinoy na maghe-headbang. Bahagi ng buhay ‘yan, bahagi ng kultura!
Kaya daan na sa 12th flr. Food and Art Gallery sa GT Tower, Ayala, Makati mula July 20 hanggang October 5.
Pinoy Rock and Roll lang ang mga obrang masisilayan, Rock And Roll sa Ulan!
Press release and photo from PINTIG Art Circle
Press release and photo from PINTIG Art Circle
Tags: pinoyrock
More Videos
Most Popular