We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mahigit isang buwan matapos manalasa ang sunod-sunod na mga bagyong Pedring, Quiel at Ramon sa malaking bahagi ng Luzon, patuloy pa ring bumabangon ang ilan nating mga kababayan.
At ang mga castaways sa pinaka-aabangang Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown, makiki-Sanib Puwersa kina Mel Tiangco at Arnold Clavio sa pag-aayos sa isang eskwelahan sa Calumpit, Bulacan na matinding sinalanta ng bagyo. Matutunghayan din ang mga makipigil-hiningang pakikipagsapalaran ng mga ating mga kasama sa Kapuso Foundation para lamang makapaghatid ng tulong sa mga nabiktima ng bagyo, mula Bulacan hanggang Isabela! Ang Sanib Puwersa na pinangungunahan nina Mel Tiangco at Arnold Clavio, ay mapapanood ngayong Linggo, 9:15pm sa GMA 7. -- FRJ, GMA News