ADVERTISEMENT
Filtered By: Hashtag
Hashtag
HANGGANG KAILAN PUWEDENG MAGPA-BIOMETRICS?

Comelec's James Jimenez answers questions in #Askaway


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
 
Comelec spokesperson James Jimenez took his time to answer questions about the upcoming elections during this Wednesday’s #AskAway on the Facebook page of GMA News. Here are some of his answers.
 
Belinda Lao Oculares: why man po ang tagal ng aking voters ID 2012 pa ako nag pa rehistro? pati sa aking family....
 
James Jimenez: Depende po yan sa bilis ng pag-clear ng AFIS. Pasensya na po.
 
Jo Guerrero Salcedo: Sir , Registered voter na po ako, kailangan ko pa po bang magpa biometrics para makaboto sa election 2016? medyo nalilito po kase sa gagawin .. Thanks po ..
 
James Jimenez: Punta lang kayo sa COMELEC sa city or municipality kung san kayo nakatira. Sabihin nyo magpapabiometrics kayo.
 
Christie Ilagan: Sa (Kuwait) po..bakit hindi nag-iissue ng voters'i.d.?
 
James Jimenez: Aalamin ko po muna, dahil may hiwalay na proceso po ng pagri-release ng ID sa overseas voting
 
Alexa Klein Siriban: sa #NobioNoboto, paano po ang process nun? kailangan po ba ng bagong voter's id? until kelan po iyon?
 
James Jimenez: #NoBioNoBoto - kailangan nyo lang i-validate sa COMELEC office sa lugar nyo na meron na kayong litrato, lagda, at fingerprint sa sistema ng COMELEC. Di kailangan ng bagong ID, at hanggang October 31 na lang yan
 
Rosalie Matilac: Twice n po aq hndi nka boto,mkk boto p rin bq this coming election?
 
James Jimenez: Kung may biometrics po kayo, pwede. Tandaan. Hindi porke't nakaboto kayo noon ay ibig sabihing may bio na kayo. Kailangan pa rin po magpaValidate.
 
Angela Jimenez-Conel: pwede po magtanong? hindi pa po ako nakapag parehistro for presedential! kailangan po ba ng valid id pag nagpaparehistro wala po kasi akong valid id! thanks po
 
James Jimenez: Kung wala po kayong valid ID, magsama po kayo ng isang registered voter na pwedeng mag-vouch sa inyong identity.
 
Gil Adora: VOTERS ID po ang malaking problema ng COMELEC, bakit hindi na lang idestribute sa kanya-kanyang monisipyo at mamamayan na lang ang kukuha sa bawat lugar. matagal ng hangad ng bawat botante na magkaroon man lamang ng voters ID, subalit hanggang ngayon wala pa rin action ang COMELEC kong paano maipamigay ang mga VOTERS ID.
 
James Jimenez: Yung printing lang po ang centralized. Yung distribution, per municipality po talaga yan.
 
Kimi Jen: hindi po ba makakapag vote this coming election kapag hindi nakapag biometrics?
 
James Jimenez: Yup. No Bio, No Boto po
 
Ydna Alliv: hanggan kailan po pwedebg magpa biometrics.
 
James Jimenez: 31 October 2015
 
Naknak Toribio Geraldine: eh pwd pa ba mag rehsto ngay0n may bayad ba?mag pa rehsto?
 
James Jimenez: Wala pong bayad ang magparehistro
 
Dantes Tangalin Pasaylo: wla bang pagbabago sa #VOTERS_ID? I mean ang voters ID noon manipis ngaun ano na medyo magandaganda nba?
 
James Jimenez: So far, wala pang plano na palitan ang voter ID
 
Juan Ryter: Pag filipino naging american tapos naging filipino uli, from what date nya pwede iclaim ang start ng pagiging Philippine resident nya, from birth or from oath taking to reacquire Filipino citizenship?
 
James Jimenez: May buhay na kaso tungkol po diyan. Hintayin natin ma-resolba ng tamang awtoridad.
 
Liz Vargas: May plano po ba na gawin pvc yung material ng voters ID? Yung akin po sira na, if ever po pwd pa ba mag issue ng pnibago?
 
James Jimenez: Wala pa po. But that's not a bad idea.
 
Maricelle Daliva Begaso: nag apply ako ng 2yrs ago ng id voters ko ngaun ngaun wla p.
 
James Jimenez: PAsensya na po sa delay. Medyo matagal yan kasi dinadaan pa po yung records niyo sa Automated Fingerprint Idenfication System (AFIS)
 
Marlowe Bryan Co: 2007 pa po ako nagpa register pra sa voters id, ganu pa po katagal ang hihintayin pra makuha ito? 
sa tingin nyo po ba uunlad ang pilipinas sa pamamagitan ninyo sa comelec?
ano po ba ang mgiging assurance nming mga mamamayan ng pilipinas na mgiging patas ang darating na eleksyon 2016?
 
James Jimenez: 1. Yes, medyo matagal po talaga. 2. sa tingin ko? Oo. 3. Voter vigilance ang pinaka mahalaga. Sa parte ng COMELEC, tignan na lang po natin ang record ng 2010 at 2013 elections. Sa dinami-dami ng nag-file ng election protest, walang ni-isang kaso ang nabaliktad ang official results ng comelec.
 
Mitch Bumagat Ramiento: Valid I'd ang pangunahing requirements at isa po ito na matagal ng pghihintay sa releasing.,Bka po pwede khit mgbyad n lng kami for I'd kng d mapondohan.Mgbobotohan nnman po!...
 
James Jimenez: HIndi po pwedeng bayaran na lang. Sorry. Anyway, di naman kailangan ang voter ID para makaboto.
 
Cora Rivera Alcantara: Sir,bakit po wala pa ang ID ko? 2003 pa po ako nagpabiometrics.inulit po nung 2013 until now po wala pa din.nagpunta po akp nung august 19 sa vomelec ng mini caloocan city hall para kunin.wala pa daw po sa kanila.please help nyo naman po ako.marami pong salamat sir.
 
James Jimenez: 2004 lang po nagsimula ang biometrics. Yung pagpapabiometrics nyo nung 2013 - yun po ang panggagalingan ng ID nyo.
 
 

Simula na po ng #AskAway kasama si Comelec spokesperson James Jimenez! I-post na po ang inyong tanong sa comment section!

Posted by GMA News on Tuesday, September 8, 2015
 
Ronnel Yabut: Wala napo talagang makakapangdaya ngayon sa darating na eleksyon?kasi kapag nahalal ang isang pangulo dahil lang sa pandaraya hindi nya mapapaunlad ang bayan ang sarili lang niya ang uunlad.
 
James Jimenez: Meron po sigurong susubok, pero malabong malabo po na makakalusot yun
 
Wazz Fatima: Pag automated n b ang election ntin.. Eh wala na pong dayaang mangyayare?
 
James Jimenez: Yes.
 
Lilibeth Canizares Ballon: gagawin po bang holiday ang election 2016 ?? consideration sana sa mga nagwowork :))
 
James Jimenez: Palagi naman pong ginagawang holiday ang halalan
 
Jorban Britt Jardell: sigurado po ba na ang mga ipinangako ng mga kandidato sa mga comercials ay matutupad? parang abnormal lang po ang makakatupad nyan eh
 
James Jimenez: Ang mga pangako, kailangang ina-approach yan with a cautious attitude. Ika nga nila, hope for the best, but prepare for ... not the best.
 
Nelson L Carbonell: Alam mo na ang mananalo..Sang-ayon ka ba d2 sa haka haka ko bro....
 
James Jimenez: Sino po ang mananalo? Kung boboto kayo, nasa inyo ang sagot. Kung hindi naman kayo boboto, ibang tao ang sasagot nyan para sa inyo. SO vote. 
 
—Justin Joyas, YouScoop/JST, GMA News