Video of Duterte’s speech delivered in gay speak goes viral
Kumakalat ngayon sa social media ang video ng Facebook user na si Bekimon habang ginagaya ang talumpati ni President Rodrigo Duterte—gamit ang tinaguriang “gay lingo.”
Mula nang mai-post ito nitong Martes, umani na ng higit sa 52,000 likes at reactions, 37,000 shares, at 13,000 comments ang naturang video.
Hindi man naiintindihan ng lahat ang sinasabi ni Bekimon, malinaw naman sa maraming Pilipino na unti-unti nang nag-iiba ang imahe ng tinaguriang "The Punisher."
Ayon sa ulat ng “24 Oras” nitong Miyerkules, mula sa nakasanayang simpleng porma na checkered polo at jeans, mas pormal na ang pananamit at tindig ni Presidente Duterte nang humarap siya sa publiko para sa anibersaryo ng Philippine Air Force ngayong linggo.
Gayunpaman, akma pa rin sa kaniyang “koboy” na personalidad ang kaniyang porma dahil ang bukod sa bukas ang butones ng kaniyang barong, tinernohan niya rin ito ng maong na pantalon.
Tawag nga rito ng ilan, “Maong Tagalog.”
Bukod sa pagbabago sa kaniyang porma at pananamit, kapansin-pansin rin na naaalis na ang nakasanayan niyang paghawak sa pisngi, pati na ang madalas niyang pagmumura. —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News