ADVERTISEMENT
Filtered By: Hashtag
Hashtag

Event host sa Cebu City, isa ring total performer


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Viral ang isang event host sa Cebu City dahil sa kaniyang pagiging total performer na all-out na sa pagkanta, todo-hataw pa sa kaniyang dance moves.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Saksi, mapapanood ang level-up na pag-host ni Lore Santillan.

Aliw na aliw kay Lore ang guests sa event dahil sa kaniyang all-out performance.

Kuwento ni Lore, nag-umpisa siya bilang clown sa mga birthday event hanggang sa maengganyo siyang maging isang singing host.

Umabot na sa milyon-milyong views ang kaniyang performance.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News