Pia Wurtzbach practicing her beauty queen walk in green bikini
Bukod sa pagkapanalo niya sa Miss Universe 2015, pinag-usapan rin sa social media ang beauty queen walk ni Pia Alonzo Wurtzbach dahil sa walang palya nitong poise at pagpapakita ng kumpiyansa sa sarili.
Naging trending pa ang video ni Pia mula sa swimsuit competition kung saan lumutang ang ganda ng kaniyang mukha pati na ng kaniyang pangangatawan.
Ngunit kitang-kita man ang confidence ni Pia sa coronation night ng prestihiyosong pageant, lingid sa kaalaman ng karamihan ng ilang buwan ng ensayo ang pinagdaanan ng Pinay beauty queen upang mai-perfect ang kaniyang beauty queen walk.
Sa isang Instagram post, ipinasilip ng president at manager ng Mercator Artist and Model Management na si Jonas Gaffud ang isa sa mga practice walk ni Pia.Suot ang isang green bikini, kitang-kita ang kagandahan ng beauty queen na karapat-dapat sa Miss Universe crown.
A video posted by Jonas Antonio Gaffud (@jonasofmercator) on
Ipinasilip rin ni Jonas ang practice walk ni Pia suot naman ang kaniyang long gown na gawa ng fashion designer na si Albert Andrada.
Kuwento niya, “She was only able to fit her gown last Friday when Filipino designer Albert Andrada arrived in Las Vegas. It fit her perfectly and that was the only time I was able to teach Pia in her evening gown only at the lobby of the hotel.”“Good thing she was trained well back home prior to the competition. Thank you @albertandrada . The rest is history as she went on to become the Philippines' third Miss Universe,” dagdag pa ni Jonas.
Si Pia ang ikatlong Pilipina na nagwagi bilang Miss Universe matapos mana
A video posted by Jonas Antonio Gaffud (@jonasofmercator) on
--Bianca Rose Dabu/JST, GMA News