Filtered By: News
News

Pagdamay sa may sakit na kababayan: Hiyas Sa Aking Palad


Hiyas Sa Aking Palad Ni Francis Marilao
- Photo by Gem manipulation by Kiko
Maaaring hindi mo siya kilala at minsan pa'y hindi nakasalamuha Ngunit dahil sa karamdaman niya pangalan niya'y, sa Qatar nakilala Isang batang 'sing ganda ng hiyas ngiti sa kanyang labi, ay tunay na likas Kahit sabihin pang, siya'y matamlay patuloy siyang, nagiging matibay Salamat sa tulong, ng ating kababayan walang maliw na pagbabahaginan Minsan pa nating, napatunayan kung gaano kahalaga ang ating ugnayan Pagdamay na iyong inilahad mistulang hiyas, sa kanyang palad Sa puso't diwa niya nakatatak ang PINOY pinakamatulungin sa lahat Tulang ito'y isang karangalan para sa isang magandang hiyas Habang sinusulat, luha'y pumapatak may bukas pa kaya't huwag nang umiyak Nais naming iparating itong aming panalangin Panginoon nawa'y dingin kagalingan mo na aming hiling Huwag ka sanang magdalamhati kung wala man kami sa iyong tabi Patuloy na nananalangin kami na ang pakiramdam mo ay bumuti Kung iniisip mong hindi ka namin mahal nagkakamali ka sa iyong inuusal Hanggang may pag ibig laging ipagdarasal tanging ikaw — ikaw lamang. –- GMA News Tungkol sa may-akda: Si Francis Morilao ay isang manggagawang Pinoy na nasa Doha, Qatar. Sa pamamagitan ng GMANews.TV/KwentongKapuso, nais niyang maibahagi ang kanyang mga nalikhang tula sa kanyang mga kababayan. Mababasa ang mga ito kanyang blog na mga kathang isip ni Kiko. Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!