Unang Pinay na ikinasal sa dayuhan
Batay sa talaan ng mga National Statistics Office (NSA), sa mga Hapon at Chinese madalas makipag-isang dibdib ang mga Pilipino kung dayuhan ang pipiliin nilang pakasalan. Kilala nâyo ba kung sino ang unang Pinay na ikinasal sa isang dayuhan? Sa talaan ng NSO noong 2004 tungkol sa interracial marriages o pagpapakasal ng Pilipino sa dayuhan, lumitaw na sa mga Hapon madalas ikasal ang mga Pinay, habang ang mga Pinoy ay sa mga babaeng Chinese naman madalas makipagpalitan ng âI do." Sumunod sa listahan ng mga foreign national madalas pakasalan ng mga Pinay ay mga American, Australian, Chinese, Germans, at Spanish. Samantalang ang mga Pinoy ay mabili rin sa mga American, Japanese, Spanish at Australian. Sinasabing ang unang Pinay na nag-asawa ng dayuhan sa bansa ay si Nicolasa de Alvarez, na ikinasal sa Kastilang sundalo na si Pablo Alvarez sa Lubao, Pampanga noong 1585. â Fidel Jimenez, GMANews.TV