advertisement
Filtered By: News
News

Sino si Heneral Kalentong na kilalang kalye sa Mandaluyong?


Isa na marahil sa pinakaabalang kalye sa lungsod ng Mandaluyong ang "Kalentong" o "Heneral Kalentong" Street.  Pero alam niyo ba kung ano ang tunay na pangalan ni "Kalentong" na isang matapang at matapat na Katipunero na lumaban sa mga mananakop na Kastila? Si Kalentong o Vicente Leyva ay tubong Mandaluyong. Isa siyang karaniwang Pilipino na nagtitinda ng gatas na umanib sa kilusan ng mga katipunero ni Andres Bonifacio at nakipaglaban sa mga mananakop na Kastila. Sa isang bakbakan sa Bulacan, malubhang nasugatan si Leyva na noo'y may ranggong koronel pa lamang. Bagaman nakatakas at hindi nadakip ng mga Kastila, pumanaw si Leyva dahil sa tinamong sugat. Dahil sa kanyang kabayanihan, itinaas ni Heneral Emilio Aguinaldo ang ranggo ni Leyva sa pagiging heneral. At sa paglipas ng panahon ay ipinangalan sa kanya ang isang kalye sa Mandaluyong na kilala na ngayon bilang Kalentong. Itinayo rin sa Mandaluyong ang Plaza Tatlong Bayani kung saan makikitang magkasama ang mga rebulto nina Andres Bonifacio, Leyva at Laureano Gonzales, na isa ring Katipunero at tubong Mandaluyong. - FRJimenez, GMA News
Tags: pinoytrivia
LOADING CONTENT