advertisement
Filtered By: News
News

Sino si 'Bonny' na ipinangalan sa Bonny Avenue sa Quezon City?


Kung ang Boni Avenue sa Mandaluyong ay ipinangalan sa dating alkalde ng lungsod na si Bonifacio Javier, kanino naman kaya ipinangalan ang Boni o Bonny Serrano Avenue sa Quezon City?

Ang Bonny Avenue sa Quezon City na dating kilala bilang Santolan Road ay ipinangalan sa Korean war veteran na si Lt. Venancio "Bonny" Serrano, tubong Masbate.

Nakilala ang katapangan ni Serrano, miyembro ng 10th Battalion Combat Team of PEFTOK (Philippine Expeditionary Force to (South) Korea) noong 1950's, nang pamunuan niya ang five man commando team na nakahuli at nakapagpasuko sa may 77 sundalo ng North Korea at mga tagasuporta nito.

Kasama rin siya sa Battle of Miudong-Syngue, kung saan may 50 sundalo ng North Korea ang nasawi.

Napangasawa niya ang dating aktres na si Corazon Real.

Nang pumanaw si Serrano dahil sa stroke noong 1970, ipinalit ang pangalan niya sa Santolan Road, at isang kampo rin sa Masbate ang ipinangalan sa kaniya. -- FRJ, GMA News
Tags: pinoytrivia
LOADING CONTENT