Tuwing malakas ang pag-ulan, laging nababanggit sa mga balita ang "R.Papa" LRT station sa Maynila dahil nalulubog sa malalim na baha ang bahaging ito ng lungsod. Pero sino nga ba itong si R. Papa?

Si R.Papa ay si Heneral Ricardo Papa Sr., na iginagalang na sundalo at naging hepe ng Manila police noong 1960's.

Kinilala ang husay niya sa paghabol sa mga smuggler at paghuli sa mga pusakal na kriminal tulad ni Leonardo Manecio, na mas kilala bilang si Nardong Putik.

Naging commanding general din siya ng Philippine Army at Deputy chief ng Philippines Constabulary.

Ipinangalan din sa kaniya ang Camp Ricardo Papa sa Bicutan, Taguig, kung saan dating alkalde ang kaniyang anak na si Papa Jr. -- FRJ, GMA News