Filtered By: Topstories
News

Lalaking ‘Darna’


Ang unang “Darna" na nasilayang lumipad sa telon ay si Rosa del Rosario noong 1951. Ngunit alam nyo ba na ang seksing Pinay superhero ay ginampanan din ng lalaki sa pelikula at hindi lang isa kundi dalawang ulit. Ang seksing karakter na “Darna" na nilikha ng sikat na nobelistang si Mars Ravelo ay unang lumipad sa pelikula sa direksyon ni Poe Sr, ama ni Fernando Poe Jr, na tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino. Si Chiquito o Augusto Pangan ang unang lalaki na lumunok ng "mahiwagang bato" upang maging “Darna" sa pelikulang “Terebol Dobol." Kasunod nito ang Hari ng Komedya na si Dolphy sa pelikulang “Darna Kuno." Nakaapat na pelikula bilang "Darna" ang gobernadora ng Batangas na si Vilma Santos. Habang tig-dalawang pelikula naman bilang “Darna" sina Rosa Del Rosario at Liza Moreno. - Fidel Jimenez, GMANews.TV