ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Jake Vargas, ikukuwento sa 'Alisto' kung paano siya nakaligtas sa bingit ng bangin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
ALISTO!
Lunes, May 25, 2015… 4:35 ng hapon
 
JAKE VARGAS: SA BINGIT NG BANGIN

 


Sa murang edad, tatlong aksidente na ang napagdaanan ng Kapuso teenstar na si Jake Vargas. Pero ang pinakamalala raw sa lahat na labis na ikinatakot ng aktor ay nang minsang bumiyahe sila patungo sa isang taping habang kasagsagan ng bagyo noong 2013.
 
Binabagtas ng driver ni Jake ang SCTEX habang nakaupo siya sa harapan at naka-seatbelt. Kasama rin niya noon ang kanyang handler, tatay at kapatid. Sa isang iglap, nagpaikot-ikot ang sinasakyan nilang S-U-V at napunta ang sasakyan sa kanal na malapit sa isang bangin.
 
Paano nila nalampasan ang aksidente at ano ang mga dapat gawin sakaling maharap sa parehong sitwasyon?
 
SAGASA
 

 
Sa isang CCTV footage na kuha sa Brgy. 41, Grace Park sa Caloocan, isang pampasaherong jeep ang biglang sumulpot at nagdire-diretso sa sidewalk. Sa isang kisapmata...  inararo nito ang apat na kataong naglalakad.
 
Ang babaeng may kasamang bata... nagawang iwasan ang paparating na jeep. Pero kitang kita sa video kung paanong naglahong parang bula ang dalawang lalaki. Kinilala sila sa mga pangalang Jose at Rey na pauwi na raw sana matapos mag-withraw ng pera na ipadadala sa Bicol para ipantustos sa tuition ng mga anak ni Jose.
 
Sa Brgy. Holy Spirit naman sa Quezon City, mamamalengke lang sana si Lola Jasminena Salvador nang bigla nalang may bumangga sa kanyang likod at tumilapon siya sa kalsada. Kuhang kuha ng CCTV ang biglang pagsulpot ng isang taxi sa likuran ng naglalakad na matanda at ang pagbangga nito sa kanya. Nagdire-diretso ang taxi at nagulungan pa nito ang ulo ng matandang nakahandusay sa kalsada.
 
Paano maiwasan ang ganitong mga aksidente?
 
Maging Alisto! Kasama si Igan, Arnold Clavio.  Lunes, May 25, 2015, 4:35 ng hapon sa GMA!
Tags: plug