ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Epektibo nga ba ang SOCO sa pag-solb ng mga krimen?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tuwing Pasko, tumataas ang bilang ng krimen. Ang tanong, solb ka ba sa pagresolba rito ng Scene of the Crime Operatives o SOCO?
Kailan lang, nagulat ang marami sa kaso ng pagpatay kay Ramgen Revilla. Tulad ng maraming kaso, nakasandal na naman ang imbestigasyon sa testimonya ng mga taong isinasangkot sa krimen, at kakaunti ang impormasyong nakakalap dahil sa mga ebidensiya sa scene of the crime.
Vizconde Massacre, Nida Blanca Murder, Maguindanao Massacre. Lahat ng mga ito ay nakaangkla sa maraming testimonya at hindi sa ebidensiya.
Bakit nga ba usad-pagong ang pag-iimbestiga ng mga krimen sa Pilipinas at parang walang malinaw na ebidensiyang magtuturo sa kung sino ang mga may kagagawan nito?
Ayon kay Dr. Raquel Fortun, isa sa dadalawang forensic pathologists sa bansa, wala tayo sa kalingkingan ng mga crime investigations sa ibang bansa. Diumano, walang kakayahan at sapat na gamit ang ating SOCO.
Kadalasan daw, palpak ang pagkuha ng SOCO ng mga ebidensiya. Kaya ang madalas na nangyayari, magsasalang ng eyewitness ang pulisya. Sino nga ba ang makakalimot kay Jessica Alfaro at Philip Medel? Namatay na lang si Medel at nag-abroad na lang si Alfaro, hindi pa rin natutukoy ang kriminal sa mga kaso.
Mariing ipinaglaban ni Major Reynaldo Calao, PNP-SOCO Chief na sila’y may sapat na pagsasanay para gampanan ang kanilang trabaho. Pero aminado si Calao na kulang sila sa gamit.
Iimbestigahan ni Mareng Winnie ang kalagayan ng Scene of the Crime Operatives sa ating bansa, ngayong Miyerkules, December 7, 8pm sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular