ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Spending habits ng Pinoy, bubusisiin sa 'Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
The Season to Spend and Swipe
Airing date: December 21, 2011
'Pag Pasko ay ubus-ubos biyaya, pagdating ng bagong taon ay nakatunganga. Ganyan daw tayong mga Pinoy kapag panahon ng Christmas bonus.
‘Tis the season to spend, ‘tis the season to swipe. Ito raw ang motto ng marami sa atin tuwing Pasko kaya naman butas ang bulsa pagpasok ng New Year. Kaya raw marami ang hindi jolly pagkatapos pa lang ng Pasko dahil kahit pa may Christmas bonus, baon na sa utang nang hindi namamalayan.
Ayon sa Credit Card Association of the Philippines, P14.6 billion ang utang ng mga Pinoy sa credit card as of September 2009. Hindi raw kasi mahirap magkaroon ng credit card, at kalimitan ay 'di agad nababayaran ang buong utang buwan-buwan.
Sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie, ilan sa mga nagkaroon ng aberya sa credit card ang itatampok ng programa. Nariyan si David Fabros, isang fulltime photographer na may limang credit cards. Umabot ng P600,000 ang utang niya sa bangko.
Si Krisel Abulencia naman, isang industrial designer, overbudget ng halos 14,000 every month. Aminadong gastador si Krisel. Pakiwari niya, hindi na mababago ang ugali niyang ito.
Ang spending habit mo ba ay parang kay David at Krisel at gusto mo itong baguhin? Puwes, it’s time to curb that habit. Bago pa mahuli ang lahat, this Wednesday, find out how David Fabros was able to shave off his debt. Si Krisel Abulencia naman, bibigyan ng tips on how to save ng ating financial expert. At dahil Pasko, may something tips kung paano makakatipid sa panahong ito.
Lahat ng iyan libreng ibibigay sa inyo sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Miyerkules, 8 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: bawalangpasaway
More Videos
Most Popular