ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Silbi ng barangay, ipaliliwanag sa 'Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
ANO ANG SILBI NG BARANGAY? Airing date: March 28, 2012
Utang, away mag-asawa, rambol, o barangay clearance.
Kadalasan, ito lang ang alam nating kayang bigyang solusyon ng ating barangay. Kung minsan pa nga, hindi natin alam kung ano ang pangalan ng barangay na ating kinasasabinan, o kung sinu-sino ang mga lider nito.
Ang madalas nakakalimutan natin, napakalaki ng pondong hawak ng mga barangay. Mahigit P20 billion ang pondo para sa ating mga komunidad ayon sa Department of Budget and Management (DBM).
Kaya naman sabi nga ni Prof. Monsod, they can do more, they can be more, and they should do more. Kaya lang, batay sa iba’t ibang data, marami na ang 10 percent ng kanilang voting population ang lumalahok sa kanilang barangay assembly.
Sa mga barangay assembly pinag-uusapan ang mga problema ng barangay, at kung paano ito gustong masolusyunan ng mga mamamayan. Kaya kung di mo pa alam, sa March 31, Sabado, magtungo sa inyong barangay hall at makilahok sa pagresolba sa mga problema ng inyong komunidad.
Sa Miyerkoles, ika-walo ng gabi, tatalakayin ni Prof. Monsod sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kung bakit importante ang maging bahagi ng barangay, mayaman o mahirap ka man. Tutok na sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug
More Videos
Most Popular