ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Buhay sa Hukay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Palala raw nang palala ang masamang epekto ng pagmimina sa Sta. Cruz, Zambales.
November last year, ipinakita namin ang namumulang ilog sa Brgy. Sto Nino, ang uka-uka at halos patag nang bundok sa Brgy. Lomboy at Brgy. Guisguis.
Ngayon umabot na raw ang problema sa Brgy. Bolitoc na malapit sa dagat, kung saan itinatambak ng mining companies ang lupa sa isang parte ng dagat para gumawa ng sarili nilang port.
Inireklamo ni Brgy. Bolitoc Capt. Nilo Angeles kay Mayor Luisito Marty ang operations na ginagawa ng LNL Archipelago Mining Inc. o LAMI. Sa sulat na ipinadala niya kay mayor, sinabi ni Kapitan na nangangamba sila sa maaaring dulot na perwisyo ng paghuhukay at sa pagkasira ng bundok na pananggalang nila sa mga bagyo. Bukod pa rito ang pagkasira ng kanilang karagatan.
Nagsampa ng Writ of Kalikasan sa Supreme Court ang Agham party-list laban sa LAMI. Dawit sina DENR Sec. Ramon Paje at Regional Director Lormelyn Claudio sa kaso. Kwestyonable raw ang pag-isyu nila ng mga permit.
June 20 ay ibinaba ng Korte Suprema ang Writ of Kalikasan. Ibig sabihin, tigil muna ang anumang gawain na nakasisira sa kalikasan.
Pero patuloy pa rin daw ang operasyon ng LAMI sa Bgy. Bolitoc. Sa aming panayam sa LAMI, ibinahagi nila na hindi naman daw mining operation ang ginagawa nila sa Bolitoc kundi paggawa ng port. Dagdag pa nila, may permit namabn sila. Ipinagtataka rin ng LAMI kung bakit sila lang ang inirereklamo ganoong tatlo silang may port sa lugar.
Pero nang aming kapanayamin si Kapitan Angeles, nagulat kami na iba na ang paninindigan nito. Ibang-iba sa reklamo niya kay Mayor Marty. Ayon kay Kapitan Angeles, nakatutulong sa kanila ang LAMI dahil nabibigyan ng trabaho ang mga taga kabarangay niya.
Sino ba ang nagsasabi ng totoo? Sino ang tama, at sino ang mali?
Malalim na diskusyunan ito tungkol sa pagmimina ngayong Miyerkules sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winniekasama si Prof. Solita Monsod, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular