ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Suwertehin sa Negosyo sa 2013
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
SUWERTEHIN SA NEGOSYO SA 2013 BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE Airing date: December 31, 2012 Rebelde sa magulang. Hindi nagtapos sa pag-aaral. Labing-pitong taong gulang pa lang ay nagsimula nang magtrabaho sa negosyo ng pamilya. Iyan si Enrique Razon Jr., ang ikatlong pinakamayamang Pilipino sa ngayon ayon sa Forbes Magazine. Noong nakaraang taon, ang kanyang yaman ay nasa $1.6 billion. Nitong 2012, tinatayang nasa $3.6 billion na ito. Sa edad na 52, marami nang natutunan sa negosyo at sa buhay si Razon. Umaabot na rin sa halos 30 ang kanyang ports na naitatayo sa iba't ibang panig ng mundo. Sa episode na ito ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, alamin ang mga prinsipyo at leksyon na nasa likod ng paglago ng isa sa mga pinakamayamang Pilipino. Kung mayroon man daw silang nakagawian tuwing bagong taon, ito ay ang pagkain ng 12 piraso ng grapes. Pero sa buong taon, wala siyang ginagawa kundi ang maging seryoso sa trabaho at pagpapalago ng negosyo. "Work, work, and more work," ang isa sa mga mantra ng negosyante. Sa kabila nito, may mga pagkakataon din daw na nabigo siya sa ilang mga proyektong kanyang pinasok. Pero dapat daw harapin ang negosyo nang may lakas ng loob. "Everything involves a risk. Hindi ka puwedeng sigurista," ayon pa sa kanya. Gusto mo bang matuto ng mga leksyon mula sa isang matagumpay na negosyante bago harapin ang 2013? Manood ng Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod sa Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular