ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Bawal ang Pasaway: Buwagin ang PCGG
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BUWAGIN ANG PCGG BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE Airing date: January 7, 2013
Nagbukas ang taon na tila sumusuko na ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa misyon nitong bawiin ang lahat ng nakaw na yaman ng pamilya Marcos at mga cronies nito.
Ayon kay PCGG Chairman Andres Bautista, dapat nang tapusin ang gawain ng ahensiya at ilipat na ang trabaho nito sa Department of Justice at Department of Finance.
Pero sa panayam ni Prof. Solita Monsod, inamin ni chairman Bautista na ang kanyang panukalang pagbuwag sa PCGG ay bunga na rin ng sama ng loob dahil sa nakikita niyang kakulangan ng suporta sa ahensiya.
Hindi naman kapos sa panalo ang PCGG. Noong 2011, sa budget na P93 million, nakabawi ito ng P260 million mula sa mga ari-ariang binili gamit ang salapi ng bayan. Noong 2012, sa budget na P96 million, nakabawi ito ng yamang halagang P565 million.
Sa ngayon ay may kabuuang P164 billion na ang yamang nababawi ng PCGG. Ang mga ito ay nakatabi para pondohan ang agrarian reform, danyos para sa mga biktima ng human rights violations sa ilalim ng rehimeng Marcos, at sa mga magsasaka ng niyog.
Mungkahi ni Chairman Bautista, dapat nang gawing isang permanenteng ahensiya ang PCGG at taasan ang sahod ng mga abogado nito batay sa makokolekta nilang nakaw na yaman.
Sa kabila nito ay nakabimbin ang panukala sa Kongreso na buwagin ang PCGG, na ihinain ni Leyte Rep. Sergio Apostol.
Dapat na bang buwagin ang 26-taong PCGG? Alamin ang mga detalye ng isyung ito sa isa na namang makabuluhang episode ng Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie ngayong Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular