ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Bawal ang Pasaway: Baha sa Maynila


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BAHA SA MAYNILA
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
Airing date: June 24, 2013




May sagot na raw ang Department of Public Works and Highways sa baha sa Kamaynilaan. Sinisimulan na ng ahensiya ang proyektong nagkakahalaga ng P357 billion na inaasahang makababawas sa mga lugar na lumulubog tuwing tag-ulan.
 
Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, ang proyekto ay nagsimula na noong September 2012 at tatagal ito ng 20 taon. Kabilang sa mga sakop nito ay ang pag-alis sa mga informal settlers sa gilid at ibabaw ng mga daluyan ng tubig, pagkumpuni sa mga pumping stations, pagpapalalim ng mga ilog, at pag-alis sa mga basura sa mga kanal at estero.
 
Gayundin, ililipat sa mga pabahay ang mga naninirahan sa tabi ng mga ilog. Pero nagbabala si Sec. Singson na ang sinumang lokal na opisyal at barangay captain na hahayaang magkaroong muli ng informal settlers sa kanilang mga lugar ay pananagutin na sa batas.  
 
Ito na ba ang solusyon sa maya't mayang problema sa baha? Alamin sa Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod ngayong Lunes, ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.