ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Bawal ang Pasaway: Usapang pera sa Ampatuan case


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
USAPANG PERA SA AMPATUAN CASE
BAWAL ANG PASAWAY
Airing date: July 1, 2013


May mga "middlemen" na kumikilos para kumita sa Ampatuan massacre case.


 
Ito ang napagtibay ng programang Bawal ang Pasaway Kay Mareng Winnie batay sa panayam kay "Sheila," isa sa mga inalok ng pera. Ayon kay Sheila, sinabi ng mga taong kumausap sa kanya na siya ang bahalang magsabi kung magkano ang halagang hihingin niya kapalit ng pag-urong mula sa kaso. Gayunman, may dalawa raw kondisyon ang mga taong lumapit sa kanya. Una ay ang pagbibigay niya ng 15% ng pera sa mga "middlemen," at dapat din daw idiin sa kaso si Maguindanao Governor Toto Mangudadatu. Ito ay sa kabila ng katotohanang kabilang sa mga napaslang sa masaker ay ang asawa, mga kapatid, at taga-suporta ni Mangudadatu.


 
Ayon naman sa beteranong investigative journalist na si Ed Lingao ng Philippine Center for Investigative Journalism, ilang buwan pa lang matapos ang masaker ay napabalita na ang ganitong mga alok sa ilan sa mga kamag-anak ng 58 na biktima. Gayunman ay hindi malinaw kung ang mga ito ay otorisado ng pamilyang Ampatuan, o kung ang mga ito ay gustong kumita lamang.
 
Saan patungo ang pagdinig sa kaso ng Maguindanao Massacre? Ilang taon pa bago ito matapos? Alamin iyan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie kasama si Prof. Solita Monsod mamayang ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.