ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Corruption sa Customs, sisiyasatin ni Winnie Monsod sa 'Bawal ang Pasaway'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
5 AUGUST 2013 EPISODE
CORRUPTION SA CUSTOMS

Itinanggi ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon ang mga alegasyong sangkot sa katiwalian sa ahensiya ang kanyang asawa, ina, at kapatid.
"Handa akong mamatay anumang oras, walang transaksyon sa Customs ang pamilya ko," pahayag ni Biazon kay Prof. Solita Monsod.
Ayon kay Biazon, hindi nagpupunta ng Customs ang kanyang misis; tahimik sa pribadong sektor ang kanyang kapatid; at may sakit ang kanyang ina.
"Reform has its enemies," ayon kay Biazon kaya may nagpapakalat ng ganitong balita. Sa ngayon, sinisikap daw kasi niyang linisin ang Customs at may mga tutol sa ilang polisiyang kanyang sinisimulan, gaya ng paglilipat ng ilang opisyal ng ahensiya.
Nais din ni Biazon na ibalik ang serbisyo ng Societe Generale de Surveillance o SGS, isang pribadong kompanya na noong dekada 80 ay siyang nagsagawa ng pagsusuri sa mga produktong ipapasok sa bansa. Ang isa pang panukala niya ay ang pagkakaroon ng GPS tracking para sa mga containers na ipinapasok sa ports.
Ayon naman kay Romeo Pagulayan, kahit paano ay humuhusay na ang pagtingin sa mga empleyado ng Customs. Katunayan, mula raw sa rating na Very Bad (-69) noong 2009, umakyat na sila sa Bad (-45) noong 2012 batay sa Social Weather Stations (SWS).
Alamin kung bakit hindi nakokolekta ng Customs ang buwis na itinakda para sa kanila kasama si Prof. Monsod mamayang ika-10 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Tags: plug
More Videos
Most Popular