ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
COA Chief Grace Pulido-Tan sa 'Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Episode Airing Sept. 2, 2013
10:00 p.m. on GMA News TV
Hindi magbibitiw sa tungkulin si Commission on Audit Chairperson Pulido-Tan sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas na iwan na niya ang puwesto.
10:00 p.m. on GMA News TV
Hindi magbibitiw sa tungkulin si Commission on Audit Chairperson Pulido-Tan sa kabila ng panawagan ng ilang mambabatas na iwan na niya ang puwesto.
"I will resign for the right reason. This is not the right reason," ayon kay Pulido-Tan.
Ang panawagan ay bunsod ng report ng COA ukol sa maanomalyang paggamit ng pork barrel ng mga mambabatas sa dalawang kamara ng Kongreso. Nagkamali raw ang COA nang iulat nito na may P3 bilyong pisong pork barrel na napunta kay Rep. Manuel Zamora ng Compostela Valley.
Gayunman, pinanindigan ni Pulido-Tan ang kanilang report. Ang basehan aniya ng kanilang ulat ay ang mga record ng Department of Budget and Management tungkol sa salaping ipinalabas nito.

COA chairperson Maria Gracia Pulido-Tan shows media the 2007-2009 special audit report on the Priority Developement Assistance Fund (PDAF) and Various Infrastructure including Local Projects (VILP) during a press conference at their head office in Quezon City on Friday, August 16. Tan said over P6B went to mostly dubious NGOs. Asti Flores.
Sa panayam ni Prof. Solita Monsod, sinabi ni Pulido-Tan na ang audit sa pork barrel ay nasimulan na nang siya ay pumasok sa ahensiya sa ilalim ng administrasyong Aquino. Dalawang taon ang audit at isang taon pa ang ginugol sa pagberipika sa mga dokumentong isinumite sa kanila. Gayunman, may mga paggamit talaga ng pork barrel na hindi dokumentado, napunta sa mga ahensiyang di naman totoo, o kaya ay talagang hindi maipaliwanag.
Ikinababahala rin ni Pulido-Tan ang milagro sa DBM. Aniya, may ilang pagkakataon na ang isang numero ng Special Allotment Release Order o SARO ay dalawang beses na naiisyu. Ipinaalam na raw niya ito kay DBM Secretary Florencio Abad.
Sa loob ng dalawang linggo, magsisimula na ang pagsisiyasat ng Ombudsman at Department of Justice ukol sa anomalya sa pork barrel. Inaasahang tatagal ito ng ilang taon.
Alamin ang iba pang iskandalo sa pondo ng bayan kasama sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 2 Sept. 2, alas-diyes ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
Alamin ang iba pang iskandalo sa pondo ng bayan kasama sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 2 Sept. 2, alas-diyes ng gabi sa GMA News TV Channel 11.
More Videos
Most Popular