ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Mayor Beng Climaco ng Zamboanga City sa 'Bawal ang Pasaway'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE
21 July 2014 Episode
ZAMBOANGA CITY MAYOR BENG CLIMACO 



Magsasampung buwan nang nakatira sa loob ng sports complex ng lungsod ng Zamboanga ang may 13,000 katao. Masikip, mainit, at binabaha ang kanilang kanlungan. Ito ang sitwasyon ng mga biktima ng pagsalakay ng Moro National Liberation Front noong Setyembre ng 2013.  

Ayon kay Mayor Maria Isabelle Climaco, ang kakulangan ng maayos at sapat na palikuran ay lalo pang nagpapahirap sa pananatili sa evacuation center na ito. Sa ngayon, ang bawat isang palikuran ay ginagamit ng 70 katao. Mas mainam daw kung agad na madagdagan ito para ang bawat isang palikuran ay para sa 50 katao.

Hinihintay rin aniya ng lokal na pamahalaan na maibigay na ang kabuuan ng P3.5 billion na pondong pangako ng Malacanang para sa kanyang lungsod. Sa ngayon ay 30 porsiento pa lang ng pondo ang naibibigay, na kailangan agad para sa planong pagpapatayo ng 2,000 na pabahay.

Nang maganap ang pagsalakay sa Zamboanga City, tatlong buwan pa lamang sa puwesto si Mayor Climaco. Dating postulada at papasok sana sa pagmamadre, si Climaco ay nagturo ng religion at English sa Ateneo de Zamboanga bago pumasok sa politika. Nagsimula siya bilang konsehal, bise-alkalde, at kongresista.

Sa edad na 43 noong 2009, ikinasal siya kay Maj. Gen. Trifonio Salazar, dating hepe ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA.

Kaya ba niyang isaayos ang lungsod na winasak ng atake ng MNLF? Alamin iyan sa panayam ni Prof. Solita Monsod kay Mayor Climaco sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.