Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang Spice Boys ng kongreso, nagbabalik sa 'Bawal ang Pasaway'


Sikat sila dahil sa pagkilos nila noon sa pagpapatalsik kay Pangulong Erap Estrada. Mula sa mga pamilyang matagal na sa politika, silang anim ay tinawag na Spice Boys.
 

 
Ang Spice Boys ay sina Rep. Rolando Andaya ng Camarines Sur, Rep. Robert Ace barbers ng Surigao del Norte, Michael Defensor ng Quezon City, Rep. Hernani Braganza ng Pangasinan, Rep. Federico Sandoval II ng Navotas-Malabon, at Juan Miguel Zubiri ng Bukidnon.
 
Sa ngayon, si Rep. Andaya na lamang ang natitira sa Kongreso sa kanila. Sa pagtatanong ni Prof. Solita Monsod, malalaman kung bakit wala sa politika ang mga miyembro ng Spice Boys.
 

 
Lilinawin din ang mga bulung-bulungan noon tungkol sa kanilang pagkatao. Mayroon daw kasing babaero. Ang sabi ng isa sa kanila, ang bansag sa isang kasama nila ay manyak. Mayroon din daw babaero. Mayroon din daw naging karelasyon ng isang makapangyarihang babae sa politika noon.
 

 
Isang magaan at nakatutuwang diskusyon ang muling matutunghayan sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.