ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

AFP Chief Gregorio Catapang magsasalita na tungkol sa isyu ng SAF 44, ngayong Lunes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie
16 March 2015
AFP Chief Gregorio Pio Catapang
 
Mangangailangan daw ng P400 billion sa loob ng 15 taon ang Sandatahang Lakas para magkaroon ito ng kakayahang protektahan ang Pilipinas laban sa banta sa loob at labas ng bansa.
 
 

 
Makailang ulit nang nagkaroon ng modernization plan para sa militar, pero wala pa ring bagong gamit ang sandatahang lakas. Katunayan ay kalawangin na ang mga barko nating umiikot sa mga teritoryong pinag-aagawan tulad ng Spratlys at Scarborough.
 
Sa ilalim ng bagong modernization plan, sa taong 2017 daw ay may barkong pang-patrolya at pang-giyera ang bansa. Isa raw sa inuna ni Gen. Catapang na ayusin sa kanyang pag-upo sa puwesto ay ang budget ng AFP para sa mga gamit na kailangan nito.
 


 
Sa July 11 ay magreretiro na si Gen. Catapang, siyam na araw bago siya mag-isang taon bilang hepe ng AFP. Naging malaking isyu sa kanyang pamumuno ang hindi raw pagbibigay agad ng ayuda sa 44 na PNP Special Action Force members na namatay sa Mamasapano, Maguindanao.
 
Itinanggi niya na naging mabagal sila sa pagtulong sa SAF. Nagkataon daw na huli na nang malaman nila na nagkaroon na pala ng aksion ang SAF, at hindi rin naging madali para sa kanila ang pagkilos dahil nasa iba’t ibang misyon ang may 5,000 na sundalong malapit sa lugar.
 
Itinuturing ni Gen. Catapang na bahagi ng kanyang maiiwang serbisyo sa bansa ay ang pagtugis sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.
 
Alamin ang iba pang pahayag ni AFP Chief, Gen. Catapang sa panayam ni Prof. Solita Monsod sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV Channel 11.