advertisement
Filtered By: Newstv
NewsTV

Batangas Governor Vilma Santos-Recto, sasalang na sa hot seat ng 'Bawal ang Pasaway'


Governor Vilma Santos-Recto (Part 1)
Date of Airing: April 6, 2015


 
Sa kanyang huling termino bilang gobernador ng Batangas, may plano kayang tumakbo si Governor Vilma Santos sa mas mataas na posisyon sa darating na 2016 elections?

Isa lang ito sa maraming katanungang sasagutin ni Governor Vilma sa panayam ni Professor Solita Monsod sa kaniya ngayong Lunes, Abril 6, sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.

Taong 1998 nang sumabak sa politika ang Star for All Seasons na si Vilma Santos bilang mayor ng Lipa City, Batangas. Natapos niya ang kanyang termino bilang mayor hanggang sa nagpatuloy ang kanyang karera sa politika nang siya ay manalo bilang gobernador ng Batangas noong 2007.

Naging kontrobersyal siya kasama ang asawang si Senator Ralph Recto nang mula taong 2010 hanggang 2013 ay pumapangalawa si Senator Recto sa listahan ng pinakamayayamang senador sa bansa samantalang si Governor Vilma, pinakamayaman  naman daw noong 2011. Hindi rin pinalampas ang pagkakaroon ng mag-asawa ng dalawang dollar accounts.

Isang taon bago matapos ang kanyang termino bilang gobernador, may mga balitang nililigawan umano siya ni Vice President Jejomar Binay para maging running-mate sa 2016 presidential elections.  Usap-usapan din na sasabak sa politika ang kanilang anak na si Luiz Manzano.

Ang mga kasagutan ni Governor Vilma Santos hindi dapat palampasin sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie ngayong Lunes, 10:15 ng gabi sa GMA News TV.
LOADING CONTENT