Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga polisiya ng Philhealth, lilinawin sa 'Bawal ang Pasaway'




Fraudulent claims, mga isyu ng benepisyo at coverages ang ilan lamang sa mga isyung ipinupukol sa Philippine Health Insurance o Philhealth.
 
Dalawang ospital na nga ang itinigil ang pakikipag-transaksyon sa ahensya. Lumabas sa imbestigasyon na may kinalaman raw sila sa over claimed amount sa mga eye surgeries na kanilang isinagawa.
 
Binabatikos din ang ahensya sa pag-upo ng pinakabago nitong direktor na si dating Anakbayan Partylist Representative Risa Hontiveros nito lamang Hulyo. Kilala si Hontiveros bilang malapit na  kaibigan at kaalyado ng Pangulo. Ginagamit kaya ni Hontiveros ang budget ng Philhealth para  sa mga lumalabas na advertisement niya  sa telebisyon?



Saan ba napupunta ang mga bayad natin sa Philhealth? Kaya ba ng  ahensya na maibigay ang mga benepisyo na kanilang ipinangako sa kanilang mga miyembro? Sapat ba ang kanilang koleksyon para mapondohan ang mga nagkakasakit na Pilipino?
 
Alamin ang iyong karapatan, benepisyo at mga maaaring matanggap mula sa Philippine Health insurance kasama ang President & CEO  na si Alex Padilla, sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie, ngayong Lunes 10:15 ng gabi.

Tags: plug