ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Pag-usad ng kaso ng Maguindanao massacre, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

GMA News TV
November 23, 2015
Monday 10:15 PM

Bawal ang Pasaway: Maguindanao Massacre at Yaman ni Gov. Mangudadatu

 

Anim na taon matapos ang kagimbal-gimbal na Maguindanao Massacre kung saan 58 katao kabilang ang asawa, pinsan, associates ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu at ilang mamamahayag ang marahas na pinaslang sa Shariff Aguak, ano na kaya ang nangyari sa kaso?

Sa panayam ni Mareng Winnie kay Gov. Mangudadatu, ikinuwento ng gubernador na nagsimula iyon noong araw ng pagpa-file niya ng Certificate of Candidacy o COC para sa kanyang pagtakbo bilang Gubernador laban kay Andal Ampatuan Jr. na isa sa mga prime suspect sa nasabing massacre.

 

 

Sinamahan ng Bawal Ang Pasaway ang mga pamilya ng mga biktima ng massacre sa lugar ng Shariff Aguak, teritoryo ng mga Ampatuan. Sa kanilang pagpunta sa pinangyarihan ng massacre, bumuhos ang hinagpis at galit ng mga naiwang pamilya ng mga biktima, sumisigaw ng hustisya dahil sa loob ng anim na taon ay wala pa silang nakakamit na katarungan.

Ayon kay National Union for Journalist of the Philippines Director Sonny Hernandez, tumagal daw ang kaso dahil sa tinatawag na delaying tactics ng kampo ng mga nasasakdal para tumatagal ang pagbasa ng resolusyon. Sa ngayon ay panahon na ng mga nasasakdal para maghain ng kanilang depensa, pero ayon sa defense prosecutor ng mga Ampatuan na si Atty. Salvador Panelo, aabot pa raw ito hanggang Enero.

Kilala rin ang Maguindanao dahil sa nangyaring barilan sa pagitan ng mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga Militar kung saan 44 sa Special Action Force o SAF members ang namatay.

Ayon kay Gov. Toto, kabilang ang Mamasapano sa tinatawag na SPMS box (Salibo, Pagatin, Mamasapano at Shariff Aguak) kung saan talamak ang mga iba’t ibang armadong grupong sumasalungat sa pamahalaan, at ito raw ay kampo ng mga Ampatuan.

 

 

Sinabi rin ng gubernador na hanggang ngayon ay may hidwain pa rin sa kanilang pamilya. Ikinuwento niya na sa kanyang pamumuno bilang gobernador, nakaranas siya umano ng pambobomba mula sa mga Ampatuan.

Sa pagkamatay ng patriarch ng mga Ampatuan na si Andal Ampatuan Sr., ano kaya sa tingin ni Gov. Mangudadatu ang magiging epekto nito sa kaso laban sa mga Ampatuan?

Sa darating na 2016 Elections, makakalaban ni Gov. Toto Mangudadatu si Ali Midtimbang, dating Talayan Town Mayor at father-in-law ni Zaldy Ampatuan Jr. na isa sa mga prime suspect ng Maguindanao Massacre.

Hindi rin palalampasin ni Mareng Winnie na siyasatin ang yaman ni Gov. Mangudadatu na ikaapat sa pinakamayamang gobernador sa Pilipinas, habang ang Maguindanao ay ikaapat naman sa pinakamahirap.

 

 

Noong 2009 nang manalo siya bilang gobernador matapos ang Maguindanao Massacre, umaabot sa P183M ang kanyang net worth. Pero noong 2011, lumobo ito sa halos P391M. Magkano na kaya ngayon ang net worth ni Gov. Mangudadatu at paano lumaki nang ganoon kabilis ang kanyang yaman?

Alamin ang kabuuan ng mainit na kwento sa panayam ni Mareng Winnie kay Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu, 10:15PM, Lunes, Nobyembre 23, 2015 sa Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho sa GMA NewsTV.

Tags: plug