ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Isyu sa lupa ng Sumilao Farmers ng Bukidnon, tatalakayin sa 'Bawal ang Pasaway'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

GMA News TV
MAY 30, 2016
Monday 10:15 PM

Bawal ang Pasaway: Sumilao Farmers

Dalawampu't walong araw na walang pagkain.

Mahigit isang libo at pitong daaang kilometro  ang nilakad ng mga magsasaka ng Sumilao, Bukidnon sa loob ng animnapu't siyam na araw mula Mindanao papuntang Malacañang noong 2007 bilang protesta sa pag-angkin sa kanilang 144-ektaryang ancestral lands.

Isa sa mga nakibaka noon ay si Yoyong Merida. Kuwento ni Yoyong, hindi alintana ang hirap at pagod para sa kanilang inaasam-asam na lupang sakahan.

Ang kawalan ng lupa o "no land" ang pinanggalingan ng pangalan ni Noland Peñas, anak ng dating pinuno ng mga magsasaka mula sa Sumilao. Estudyante pa noon si Noland pero tandang tanda niya na kailangan siyang iwanan ng kaniyang ina, gaya ng nakararaming kababaihan ng kanilang barangay, para makasama sa hunger strike.

Dekada 90 nang magsimula silang magprotesta, 1997 nang mag-hunger strike, at 2007 nang maglakad patungo sa kabisera ng bansa. Naging matatag ang mga magsasaka sa kanilang panawagan, at sa loob ng halos sampung taon ng pakikipaglaban at pakikipag-usap sa gobyerno, napasakamay nila ang kanilang ancestral land noong 2008.

Simula noon, napaglinang na ng Sumilao Farmers ang kanilang lupa. Nakapagtapos ng pag aaral ang kanilang kabataan at natutong magnegosyo. Ngayon, mayroon na silang sariling kooperatiba na umaalalay sa kanilang mga pangangailangan sa pagsasaka o salapi man.

Bisitahin natin ang lupang kanilang ipinaglaban at alamin kung ano ang maaring mangyari kapag ang maliliit ay bumabangga sa malalaki ngayong Lunes sa :Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie," 10:15 PMsa GMA News TV.

Tags: plug