ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

CHEd Chairperson Licuanan, sasalang sa hot seat ng 'Bawal ang Pasaway'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie
Lunes, January 16, 2017
10:15 PM sa GMA News TV
 
 
P8.3 bilyon ang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa "free tuition" sa Academic year 2017-2018. Paghahatian ito ng 113 State Universities and colleges sa bansa. Ayon kay Commission on Higher Education Chairperson Patricia B. Licuanan sa kanyang panayam kay Mareng Winnie, wala pang panuntunan na nabubuo para sa pagpapatupad ng proyekto. Masusi pa raw nilang pinag-aaralan kung paano ipamimigay ang libreng tuition.
 

Ganunpaman, ayon kay Licuanan, kulang ang budget na ito. Tatlumpu hanggang apatnapung porsiyento lamang ang tuition sa kabuuang gastos ng isang estudyante sa kolehiyo. Kailangan din daw munang matiyak na sa mahihirap mapupunta ang tulong pinansiyal na ito. Ayon sa pag-aaral, 8% lang ng mahihirap ang nakatutuntong sa kolehiyo.

Nang maungkat ang isyu tungkol sa pagkuha ng technical at vocational courses, sinabi ni Licuanan na may mga trabaho na hindi kailangan ng 4-year course. Aniya, “sometimes the BS and AB degrees doesn’t land you a job.” Hindi raw dapat isipin na “second class” ang hindi nakapagtatapos ng kolehiyo. Isinusulong ni Licuanan na kumuha ng tamang edukasyon ang mga estudyante na akma sa kanilang papasuking trabaho. 

Naging laman ng balita ang CHED Chairperson dahil sa pagpapatigil sa kanya na dumalo sa Cabinet meetings simula noong Disyembre. Ayon kay Licuanan, hindi siya nagbitiw sa puwesto dahil ayon sa RA 7722, may fixed term na apat na taon ang CHED chairperson. Hindi rin daw makaaapekto sa kanyang trabaho bilang CHED Chairperon ang hindi pagdalo sa cabinet meetings.

Ang kabuuang panayam ni Mareng Winnie kay CHED Chairperson Patricia Licuanan, abangan sa Lunes, January 16, 2017 sa Bawal ang Pasaway 10:15 ng gabi.

Tags: plug