ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

PNP Chief Oscar Albayalde, sasalang sa hot seat ng 'Bawal ang Pasaway'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BAWAL ANG PASAWAY KAY MARENG WINNIE:
PNP DIR. GENERAL OSCAR ALBAYALDE
MONDAY, 7 MAY 2018
10:15 PM ON GMA NEWS TV

Strikto. Ganito isinasalarawan ng marami ang dating National Capital Region Police Office o NCRPO Chief, Gen. Oscar Albayalde. Ngayong siya na ang bagong Philippine National Police Chief, uubra pa kaya ang ganitong paraan ng pamamalakad?

Bilang bagong hepe ng PNP, ilan sa kaniyang tututukan umano ang pagsasaayos ng disiplina ng kapulisan. "Yung ibang pulis natin walang ginawa kundi magtext lang, tulog, ang dudumi," ani Albayalde. Ito raw ang ilan sa kanyang napansin sa kanyang surprise visits sa mga istasyon ng pulis sa Metro Manila noong siya’y nasa NCRPO pa. Katuwiran ni Albayalde, ang mahigpit niyang pamamalakad, para sa ikaaayos ng sistema sa PNP. Hindi naman daw niya hihilingin sa kanyang mga tauhan ang anumang hindi rin niya kayang gawin.

Susugpuin din umano ni Albayalde ang katiwalian sa hanay ng PNP. Pag-amin niya, mukhang napabayaan na ito, "Probably baka ngayon lang nakita na heto pa pala, napakarami."

Ang susi raw para maituwid ang mga pasaway sa PNP, pagsasanay. Nais ni Albayalde na magkaroon ng training institute ang PNP para maibalik ang sistema at disiplina. "I do not care kahit maging 1/3 ang force ng pulis, madami naman gustong pumasok,” sagot niya.

Maisaayos nga kaya ni Albayalde ang kapulisan? Ang tatak NCRPO maging tatak PNP na nga ba? Abangan ang kabuuan ng panayam sa bagong PNP Chief Oscar Albayalde sa darating na Lunes, 10:15pm sa GMA News TV pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho.