ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Ang Tunay na Lalaki ng MMDA at Ride All You Can sa HK Disneyland, tampok sa 'Best Men'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BEST MEN PRESENTS: Ang Tunay na Lalaki na si Mang Saturnino ng MMDA at ang Ride All You Can ni Jace sa Hong Kong Disneyland  August 27, 2012                        Sangkatutak na mura at sapok! 'Yan ang inabot ng isang MMDA traffic enforcer sa isang sigang motorista! Tagaktak ang pawis sa pagkakababad sa araw para maisaayos ang daloy ng trapiko para sa kaligtasan ng lahat. Ang sweldong 8 libo sa isang buwan, kulang na kulang pa para itaguyod nang maayos ang kanyang pamilya.  
 
Si Saturnino Fabros ay isa lamang sa libo-libong traffic enforcers na nakakaranas ng pagmamamaltrato, pang-aalipusta at pambabastos ng mga sigang motorista. Biyudo na ang 47 taong gulang na si Mang Saturnino kaya siya na lang ang kumakayod para sa kanyang 6 na anak. Sa 27 taon raw niyang pagta-trabaho bilang traffic enforcer, ngayon lang daw siya nakaranas ng ganitong klaseng pang-aalipusta at pananakit mula sa isang motorista.   Marami sa atin ang guilty kung pagiging mainitin ng ulo sa kalye ang pag-uusapan. Hindi rin maitatanggi ang ginagawang pag-iwas ng marami kapag nakakakita ng nanghuhuling traffic enforcer. Pero bakit nga ba ganito kainit ang relasyon ang mga motorista at enforcer sa ating bansa?   Nagmanman sa kalsada ang Best Men kasama ang ilang enforcer ng MMDA upang malaman kung gaano nga ba kapeligroso at kahirap ang trabaho ni Mang Saturnino. Sino kaya ang tunay na lalaking enforcer ang makakapagpahinto ng isang motoristang lumalabag sa batas? At sino sa mga motoristang ito ang tunay na lalaking aamin ng kanyang pagkakamali?   Tunghayan rin ang Hong Kong Adventure Part 3 ng Best Men host na si Jace Flores! Matapos ang pakikipagtuos sa kamandag ng mga ahas at iba't ibang exotic street food sa Hong Kong, susubukan naman ni Jace ang kakaibang sipa at saltik ng mga extreme rides ng HK Disneyland! Mapapasugod siya sa pinakabago nilang atraksyon, ang Grizzly Gulch! Napakasarap nga namang maging bata muli at masusubukan ito ni Jace! Pinaghalong pait at tamis ang mga istoryang hatid ng Best Men ngayong Lunes, 10:30 ng gabi, sa GMA News TV Channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men Day!
Tags: plug