ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Best Men: Bahay Ni Lolo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BEST MEN
BAHAY NI LOLO
October 22, 2012
 
            Ngayong darating na Lunes, kakaibang uri ng katapangan ang inyong masasaksihan! Kaya kayang labanan ng mga Best Men host ang kakaibang pwersa sa loob ng isang haunted mansion?             Sa pagsapit ng dilim, isang sinasabing haunted house sa New Manila ang papasukin ng Best Men! Matagal nang hardinero at katiwala si Mang Jojo sa isnag magarbong bahay na itinayo pa noong panahon ng mga Amerikano. Minana pa niya sa kanyang tatay ang trabahong ito. Pero hindi lang pala trabaho ang naipasa sa kanya ng kanyang ama kundi pati ang mga elementong nagpapakita at nagpaparamdam sa inaalagaang haunted house.             Madalas daw makita ni Mang Jojo sa kanilang hardin ang isang babaeng nakaputi. At kung minsan pa nga, mga yabag ng paa at hindi maipaliwanag na biglang paglamig ng simoy ng hangin ang bumabagabag sa kanya. Nilalakasan na lang daw niya ang kanyang loob dahil talagang kailangan niya ang trabahong ito para kumita ng pera.             Kukumpirmahin ng mag-asawang psychic at paranormal expert na sina Sonny at Ana Dela Cruz ang mga kwento ng kababalaghan ni Mang Jojo. Matapos ang nakakakilabot na imbestigasyon, kayanin kaya ng dynamic trio na mag-ikot at magtagal sa loob ng bahay sa dis-oras ng gabi?             At sa hindi inaasahang pangyayari, huwag kakaligtaang panoorin kung paano raw pinaglaruan ng sinasabing multo ng haunted house ang host na si Jace Flores!             Huwag palalampasin ang maagang Halloween episode na handog ng Best Men ngayong Lunes, 10:30pm, sa GMA News TV Channel 11! The Best ang Monday, dahil ito ay Best Men day!
Tags: pr