ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Best Men: Surfing sa La Union at kakaibang food trip sa Cebu
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
SURFING SA LA UNION AT KAKAIBANG FOOD TRIP SA CEBU
BEST MEN
Airing date: April 29, 2013

Sino nga ba ang makakapalag sa higanteng mga along umaabot hanggang labinlimang talampakan at siguradong kaya lamunin ang kung sinuman kung hindi ang mga batikang surfer?
Pinuntahan ng Best Men hosts ang isang sikat at dinarayong summer destination para sa kanilang panibagong hamon. Kayanin kaya nilang makapag-surfing sa mga higanteng alon ng San Juan, La Union!? Pero siyempre, may special trainer sina Jun V at RJ at walang iba kundi ang pinakabatang Filipina Surfing Champion at Survivor Castaway na si Mara Lopez Yokohama! Magawa kaya ni Mara na maturuan ang aming hosts na first time surfers?
Sa pagpapatuloy ng aming pagsuyod sa probinsya ng Cebu, may natisod kaming kakaibang specialty dito! Trip n'yo bang tumikim ng suso na tinatawag nilang Cebu Snail o takyong na dito lang matatagpuan sa magandang isla ng Cebu? Naisama raw ito sa listahan ng mga endangered species noong 2011, pero dahil nakitaan ng pakinabang, pinangalagaan at pinarami ito ng mga taga-Cebu! Hindi lang ang karne ng takyong ang napapakinabangan dahil ang shell nito ay ginagawa ring mga sari-saring accessories tulad ng singsing, hikaw at iba pa! Maging game naman kaya ang ating beteranong reporter na si Jun V sa pagtikim ng exotic dish na ito?

Sakay na sa pagpapatuloy ng masayang biyahe ng dynamic duo sa Queen City of the South ngayong Lunes, 10:30 PM sa GMA News TV Channel 11! The best ang Monday, dahil ito ay Best Men day!
More Videos
Most Popular