ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Maki-food trip kay Drew Arellano sa Iloilo, sa bagong 'Biyahe ni Drew'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BIYAHE NI DREW: ILOILO CITY
BIYERNES, FEBRUARY 8, 10-11pm sa GMA News TV
Sa Biyernes, hahabol si Biyahero Drew Arellano sa pag-celebrate ng Valentine’s Day as Biyahe ni Drew goes on an unforgettable culinary escapade sa tinaguriang “City of Love,” ang Iloilo!
Bukod sa makukulay na fiesta at historical landmarks, dinarayo rin ng marami ang Iloilo dahil sa masarap na Ilonggo cuisine.
Sa biyaheng ito, simple lang ang misyon ni Drew: ang maglibot sa Iloilo City para maghanap at kumain ng pinakamasasarap ng Ilonggo dishes. Tiyak na hindi naman siya mahihirapan dahil halos kaliwa’t kanan ang makakainan dito. At dahil pagkain ang pinunta niya rito, lalantakan ni Drew ang iba’t ibang putahe sa Food Bazaar kung saan samu’t sari ang paninda. From merienda staples na pansit at siomai, to all things inihaw, meron dito. Pero sabi ni Drew, don’t expect too much. “It’s always a risk naman eh… kapag pupunta ka sa mga food bazaars tulad nito hit or miss naman talaga yan eh. Hindi naman puwedeng lahat masarap, hindi naman lahat yan perfect ang pagkaluto. Ang importante marami kayong selection.”

Sisilipin din niya ang Jaro Park kung saan nagpa-praktis ang mga tribong sasali sa Dinagyang Festival, ang pinakasikat na fiesta sa Iloilo. Taun-taon, libo-libong deboto ang nagbibigay-pugay kay Sto. Nino sa Dinagyang bilang pasasalamat sa mga natanggap nilang biyaya.

Kinabukasan, didiretso naman si Drew sa La Paz Public Market kung saan matatagpuan ang pinamasarap na ultimate Ilonggo comfort food, ang batchoy. Sa halagang 45 pesos per bowl, sulit na sulit na ang pera mo sa sarap ng sabaw at halu-halong sahog nito. At para naman mapababa ang kinain, magkakape rin si Drew sa Madge Café na nasa loob din mismo ng palengke. Mula nang itinayo ito noong 1951, ito na raw ang naging paboritong meeting place ng mga Ilonggo.

Para makumpleto ang biyahe ni Drew sa Iloilo, dadaanan din niya ang ilang historical landmarks tulad ng Jaro Cathedral kung saan ang mga rebulto raw ng mga santo ay misteryosong lumalaki!
Nariyan din ang City Museum na bukas sa publiko mula 9am to 5pm daily. Sa halagang limang piso, masisilip mo na ang ilang historical relics ng lungsod. Sabi nga ni Drew, sa dami ng pwedeng gawin at puntahan sa City of Love, siksik na siksik na ang 48 hours mo.
“Sa totoo lang kahit na hindi piyesta, kahit hindi Dinagyang Festival, you have one huge reason to come here in Iloilo. Kahit 2 days lang ako dito sumagad na nga eh pero parang bitin pa din ako. Feeling ko puwede akong mag extend sa 3rd day.”
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular