ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew' Summer Special #2: Boracay
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BIYAHE NI DREW SUMMER SPECIAL #2: BORACAY
Friday, April 12 on GMA News TV!
Iba’t ibang mukha ng Boracay para sa iba’t ibang budget ang ipakikita ni Biyahero Drew sa biyahe niya sa Biyernes!
There are several ways to reach the world-famous white beach island. Pero si Drew, magdi-direct flight from Manila to Kalibo. Meron lang 2-hour land travel from Kalibo to Caticlan pero mas mura naman ang flight na ito. Meron ka pang free sightseeing of the beautiful Aklan countryside!

Dahil peak season, medyo crowded ang Boracay na dadatnan ni Drew. Mabuti na lang, meron siyang special ride... on horseback! For only 700 pesos per hour, daig pa niya ang bida sa Mexican telenovela!
At dahil talaga namang mahilig kumain ang ating bida, susuyurin niya ang kaliwa’t kanang restaurants at eateries sa isla. Chori burger, seafoods, sizzling beef steak… you name it, the island has it! Pero ang makakapagpabilib sa kaniya ay ang dining experience niya habang nanunuod ng fire dancers sa beach. For 200 pesos, pwede kang kumain hanggang kaya mo… with dessert pa!

Para sa kaniyang Biyahero Run, babagtasin ni Drew ang isla mula Station 1 hanggang Station 3. And who better to accompany him than ex-Survivor-turned-island-boy Kiko Rustia? Siyempre, dadalhin agad ni Kiko si Drew sa kaniyang paboritong bulaluhan. For a little over 100 pesos, mabubundat ka na sa mainit na sabaw at malinamnam na karne ng baka.
Para naman sa kakaibang adventure, meron ding mga extreme activities away from the beach. Una na riyan ang ATV tour na magdadala sa iyo sa buong isla for 3,500 per hour. Medyo mahal pero sulit naman lalo na kapag nakita mo ang view from Boracay’s highest peak.

At para maibaba ng kaunti ang adrenalin, susubukan ni Drew at Kiko ang isang kakaibang experience… ang Mermaiding Lessons that will bring out the inner mermaid in each of them!

Sa dami ng mga puwede pang gawin at puntahan sa Boracay, may isang tanong na nananatili sa isip ni Drew na dapat ding tanungin ng bawat turistang pumupunta rito.
“Is it still worth your money your time to go to boracay. Hell yeah! This is one of, if not the best beach in the world di ba? But I am half-hearted… yun nga ang fear na maalagan ba ng tama ang isla in the years to come?”
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.
Tags: plug
More Videos
Most Popular