ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Adventure at food-venture sa Southern Leyte, tampok sa 'Biyahe ni Drew'



Biyahe ni Drew: Southern Leyte

Biyernes, 27 September
10 pm sa GMA News TV

Unti-unti lumulutang ang Southern Leyte bilang isa sa mga lugar na masarap pasyalan sa Pilipinas.  Kaya naman doon ang Biyahe ni Drew sa darating na Biyernes.
 
Halos lahat ng mga taga-Southern Leyte yata ay Katoliko. Sa Maasin City,  maraming simbahan na pwedeng bisitahin. Isa na riyan ang Our Lady of the Assumption Church na nakapuwesto  sa taas ng Jaleca Hill.  Napanaginipan daw ng isang deboto na dapat ilagay ang simbahan sa mataas na lugar upang maprotektahan ang bayan mula sa mga natural disaster.  Mula nang itinayo ang simbahan dito, sinasabing hindi na nakaranas ng bagyo ang siyudad.


Sa Maasin din matatagpuan ang Camp Danao, ang lugar na pinagdadausan ng Boy Scout Jamboree ng buong Visayas. May zoo rin dito at cave exploration sa Guinsohotan Cave!

Adrenalin-rush naman ang mararanasan ni Drew sa Munisipalidad ng Sogod kung saan haharapin niya ang zipline na nasa pinakamataas na tulay sa buong Pilipinas, ang Agas-Agas Bridge. Pero hindi pa sa nakakalulang zipline ride natapos ang adventure niya dahil sisisirin din niya ang karagatan ng Padre Burgos.
 
Sa  Ichon, tila buong bayan ang sasalubong sa tropa ng Biyahe ni Drew sa stadium. Dito, haharanahin ng mga taga-Ichon ang beteranong biyahero at pakakantahin pa ng isang awiting sinulat ng legendary rocker na si Mike Hanopol!

At bago magtapos ang kaniyang Southern Leyte trip, sasabak din si Drew sa isang nakakabusog na food-venture. Filipino at international cuisine ba ang hanap n’yo?  Meron niyan ang Southern Leyte.  Pero ang hindi n’yo raw dapat palampasin ay ang “McDo.”  Hindi ang fast chain kundi ang BBQ Village nila kung saan ang mga kumakain ng masarap na inihaw  ay naka ‘duko.’
 
Adventure, food-venture at marami pang iba! Kaya sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.