ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew' Valentines Day special: Love is in Baler


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Biyahe ni Drew: Baler, Aurora Province

Biyernes, February 14
10 pm sa GMA News TV 
 
Isang matamis at nakakakilig na biyahe ang handog ni Drew Arellano sa Valentine’s Day Trip niya sa Baler, Aurora Province!
 
From Manila to Aurora, aabot din ng 250 kilometers ang biyahe. Mga tatlo hanggang apat na oras yan kung magdadala ka ng sariling sasakyan, at limang oras naman kung sasakay ka ng bus. Medyo zigzag ang daan dahil medyo mabundok kaya kailangan ng konting ingat sa pagmamaneho.
 
Bago makarating sa Baler, dadaanan muna ni Drew ang bayan ng Maria kung saan matatagpuan ang higanteng puno ng Balete.  Anim na daang taon na ang edad nito at naging tahimik na saksi sa mahabang kasaysayan ng Aurora. Kung kasama mo ang sweetheart mo, pwede kayong mag-picnic sa ilalim ng malapad na lilim nito, o di kaya ay mag-hide and seek sa mala-kuwebang puwang nito sa gitna! Ang sweet di ba?

Matapos ang sandaling stopover, didiretso na agad si Drew sa Baler, ang tinaguriang Surfing Mecca sa Norte. Ang surfing daw ay dinala rito ng American crew na nag-shooting ng pelikulang Apocalypse Now ni Francis Ford Coppola at pinagbidahan ni Marlon Brando noong 1970s. Nang matapos ang pelikula,  iniwan ng mga crew ang kanilang surfboards. And the rest, as they say, is history.

Siyempre sabak agad si Drew sa surfing lessons. Rekomendado niya ito for adventurous couples dahil perfect daw itong pang-bonding.  Pwede rin kayong mag-date sakay ng mountain bikes.  Ang inyong bike route:  ang must-see historical landmarks ng Baler. Para naman sa mga magkasintahang mahilig sa nature-tripping,  horseback riding ang suggested date ni Kupido Drew. With the beach before you and the beautiful sunset beyond, ito na raw ang ultimate romantic date.

Pero kung takot naman kayo sa kabayo, boating along the Sabang River may be the best option.  Plus, don’t forget to visit the wonderful falls around the province, lalo na raw ang Mother Falls dahil ito ang paboritong dating venue ng mga mag-sing-irog sa Baler.

Bago matapos ang romantic trip, huwag kalimutang tikman ang sarap na handog ng Baler cuisine.  Titikman ni Drew ang Baler Suman na kakaiba dahil sa kaitiman nito! Sa Sabang Beach, hindi rin mauubusan ng mga kainan na nagtitinda ng fresh na fresh na seafood!

Sama na sa Biyahe ni Drew, sa Biyernes, 10PM sa GMA News TV.

--

Photo of Baler beach chairs (second from top) by Drew Arellano