ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Drew Arellano tours Sabtang Island, Batanes on 'Biyahe ni Drew'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

BIYAHE NI DREW ANNIVERSARY SPECIAL IN BATANES: PART 2Biyernes, March 14, 2014, 8 pm (new timeslot)
Sa pagpapatuloy ng 1st anniversary special ng Biyahe ni Drew sa Batanes ngayong Biyernes, iiwan muna ni biyaherong Drew Arellano ang Basco para bisitahin ang isa sa mga pangunahing isla ng Batanes: ang Sabtang.Dahil hindi narating ng mga dayuhang mananakop, animo’y walang nagbago sa itsura ng Sabtang mula pa noong unang panahon. Ang mga bahay na bato na ilang daang taon nang nakatayo, bunga raw ng pagbabayanihan ng mga taga-rito.
Makikilala rin ni Drew ang ilang mga Ivatan, kabilang na ang mga kababaihang gumagawa ng vakul – o yung tradisyunal na pananggalang sa araw o ulan ng mga magsasaka. Manu-mano ang paggawa nito mula sa abaca at cogon kaya naman sa presyong P500 ang isa, sulit na sulit na bilang souvenir mula sa Batanes.
Hindi lahat ng biyaherong nakararating sa Batanes ay nakapupunta sa Sabtang island. Kung minsan kasi, masungit ang panahon o kaya naman ay kapos na ang mga turista sa oras.
Pero kung papalarin, di dapat palagpasin ang pagkakataong silipin ang mga pinakasikat nitong landmarks, tulad ng issang arkong inukit ng mga alon sa gilid ng bundok. Mayroon ding nakatagong kuweba sa may tabing-dagat.Matitikman din ni Drew ang ilang karaniwang pagkain ng mga Ivatan. Nariyan ang “abong” o ang local version nila ng tahong na napupulot lang sa tabing-dagat. Sagana rin sila sa iba’t ibang uri ng kamote at ube. Simpleng pagkain, simpleng buhay, pero kitang-kita sa mga ngiti ng mga Ivatan ang saya at pagiging kuntento nila sa buhay.
Hindi na tuloy nakapagtataka na para kay Drew, isang pangarap ang natupad sa unang anibersaryo ng “Biyahe ni Drew.” Batanes province is truly a dream destination.
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, sa bago nitong timeslot, 8 PM sa GMA News TV.

*Photo credits: Alan Ebora and Bea Rodriguez
Tags: plug, biyahenidrew
More Videos
Most Popular