ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

BND goes all-American this Friday!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Biyahe ni Drew: Guam (Part 1)
Biyernes, September 26, 2014
8 pm sa GMA News TV



Biyernes sa Biyahe ni Drew, sa wakas makakatapak na rin tayo sa Land of the Free at Home of the Brave as BND flies to Guam!

Isa ang Guam sa fifteen US Island Territories na bumubuo sa Northern Mariana Islands.  Bahagi rin ang Guam sa mahigit 2000 islands sa Micronesia na matatagpuan sa Western Pacific Ocean. Halos kasing laki lang ng Metro Manila ang Guam kaya naman madaling makahanap ng activities.


Sa Lina’la’ Chamorro Cultural Park, mapapanuod ni Drew ang pagsasadula ng simpleng buhay ng mga sinaunang Chamorro, maging ang sinaunang paraan ng pakikipaglaban nila na halos kapareho ng arnis. Dito, makikita rin niya ang mga stone house na hawig sa bahay kubo ng mga Pinoy. Pero imbes na nipa at kawayan, gawa ang mga ito sa latte stone o coral limestone.


In search of good eats naman, matitikman ni Drew ang paboritong putahe ng mga Chamorro. Una na riyan ang Jamaican version ng adobo, pati na ang ilang Jamaican grilled specialties. Hindi rin mawawala ang ribs plate na may special Finedeni sauce na parang crispy pata sauce lang daw ang lasa. Pero ang talagang nakabubusog, ang tradional Chamorro meal na lalantakan ng ating bida, pati na ang 16 ounce rib eye steak ng  Lone Star Steakhouse.


Sa Two Lovers’ Point, nakaka-inlove daw ang view kaya ang paligid, punong-puno ng mga love letters mula sa mga bisita na galing pa sa iba’t ibang bansa.

Sa Fish Eye Marine Park na matatagpuan sa Piti Bay na isang naturally-protected lagoon, lalanguyun ni Drew ang underwater observatory.  May taas itong 71 feet at may bigat na halos 230 tons!  Kaya naman kasyang-kasya at kitang-kita ang mayaman nitong marine life.  And for the main event, susubukan ni Drew ang pinakaunang seawalker sa buong mundo. Sa lalim na 25 feet, ito rin daw ang pinakamalalim na seawalking activity sa buong mundo!

“USA here we come!” na sa Part 1 ng Biyahe ni Drew sa Guam, Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
Tags: plug