ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Home, sweet home: Metro Manila sa 'Biyahe ni Drew!'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Biyahe ni Drew: Metro Manila
Biyernes, October 10, 2014
8 PM sa GMA News TV
Pahinga muna tayo sa international trips dahil ‘ika nga, there’s no place like home.  San man tayo mapadpad, tiyak ang hahanap-hanapin natin ay ang sariling atin. Kaya naman sa Biyernes, lilibutin ni Biyehero Drew ang Metro Manila!
 
Ang Metro Manila na siya ring National Capital Region o NCR ay binubuo ng labing anim na lungsod at isang munisipalidad. Sa Biyahe ni Drew around the Metro, lilibutin niya ang mga Lungsod ng Maynila, Quezon, Taguig, at Pasig.

First stop, ang kapitolyo ng Pilipinas… ang Maynila.  Isa sa ipinagmamalaki ng lungsod ay ang makasaysayang Intramuros. Sakay ng handmade bamboo bike at may kasama pang guide,  lilibutin ni Drew ang tinaguriang Walled City, pati na ang Luneta at ang klasik na dancing fountain. Pagdating naman sa pagkain, titikman niya ang Asado de Carajay ng Barbara’s Heritage Restaurant.  Sa Sakae Sushi-All-You-Can Restaurant, ikaw na lang ang susuko sa Japanese buffet.   At sa Globe Lumpia House sa Quiapo, matitikman mo ang lumpiang anim na dekada na nilang tinitinda.

Sunod na lilibutin ni Drew ang Pasig City. Dito, pagkain pa rin ang aatupagin niya sa kaniyang Pasig food crawl. Sa Kapitolyo, lalantakan niya ang bacon slab, German meatloaf at pizza ng Pocco Deli. Sa Calderon, authentic Spanish paella naman ang bida. And to complete the food crawl, ang rainbow cake at sea salt caramel frapuccino ng Epic Café naman ang panghimagas niya.
 
Pero hindi natapos sa Pasig ang marathon-kainan ni Biyahero Drew. Sa Quezon City, tuloy ang ligaya. Sa Z Compund, labing-anim na restaurant agad ang makikita sa iisang lugar! At sa Taguig, international dishes ang iisa-isahin niya.

For a taste of culture naman, hindi rin mawawalan niyan sa Taguig. Pupuntahan ni Drew ang Korean Cultural Center kung saan pwedeng mag-aral ng Korean fan dance at pagtugtog ng percussions. Samantala, pwede namang mag-aral ng pagpipinta habang umiinom ng wine sa Sip and Gogh.  Pero ang pinakamatinding klase ay ang  flying trapeze class na sa loob lang ng dalawang oras ay garantisado raw na matuturuan kang maging mala-acrobat trapeze artist!
 
“Home sweet home” tayo sa Biyahe ni Drew,  Biyernes, 8 PM sa GMA News TV.