ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
'Biyahe ni Drew,' papasyal sa Quezon City ngayong Biyernes
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Biyahe ni Drew: Quezon City
Biyernes, 14 August 2015
8 pm, GMA News TV

Gusto n’yo bang magkaroon ng isang bonggang weekend na hindi n’yo na kailangang gumastos nang malaki o lumayo pa? Bakit hindi na lang kayo sumama kay Drew Arellano na mag-ikot sa pinakamalaking siyudad sa Metro Manila—ang Quezon City!
First stop, isang Kapuso tour! Personal kayong aalalayan ni Drew sa lugar na malapit sa kaniyang puso, ang GMA Network, kung saan masisilip ninyo ang iba’t ibang eksena sa likod ng kamera. Papasyalan din ni BND crew ang Mystery Manila kung saan maglalaro sila ng isang misteryosong escape room game.
QC is also the perfect staycation spot! Maraming hotel na pagpipilian na pwedeng pampamilya, pang-barkada o pang-solo flight. Marami pa sa mga ito, eco-friendly. And speaking of eco-friendly, bibisitahin ni Drew ang isang gubat sa gitna ng siyudad—ang La Mesa Nature Reserve! Bukod sa magandang picnic venue ito, meron din itong mountain biking trail na patok sa mga cycling buff.

Pagdating naman sa pagkain, kilala ang QC bilang Foodie Paradise. Titikman ni Drew ang pan de suelo ng Kamuning Bakery, isang old school panaderya na halos ochenta anyos na, mag-iihaw siya ng yakiniku sa Sambokojin, at magpipinta habang umiinom ng wine sa Sip and Gogh. At siyempre, hindi pwedeng matapos ang QC food trip nang hindi kakagat ng malutong na balat ng classic Pinoy handa, ang lechon, na nagmula pa sa La Loma.
Sama na sa Great, Green and Growing Quezon City sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV 11.

More Videos
Most Popular