ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV
Drew Arellano, makikipiyesta sa General Santos City sa 'Biyahe ni Drew'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang paboritong destinasyon sa Mindanao ang muling dadalawin ni Drew Arellano sa "Biyahe ni Drew" sa Biyernes!

Kilala ang General Santos City bilang Tuna Capital ng Pilipinas dahil inaabot daw ng 22 metric tons ang nakukuhang tuna sa baybayin ng Saranggani kada araw! At sa episode na ito, tamang-tama ang dating ni Drew dahil makikipista siya sa Tuna Festival!
Ang unang palatandaan daw ng isang masayang tuna fiesta ay ang mga tuna-inspired competitions. Kaya sasabak agad si Drew sa Karga-Tuna na susubok sa kaniyang lakas sa pagbubuhat ng isang 40-kilo tuna.

And what’s a tuna festival without feasting on tuna dishes? Steak, kinilaw, grilled…name the dish, siguradong meron sa Gen San niyan. At kung gusto mong mag-uwi pa sa pamilya mo, pwedeng-pwede frozen man o de lata. At kung hindi naman tuna ang trip mo, merong ibang mapagpipilian. Gaya ng gahiganteng burger na lalantakan ni Drew sa Kee’s Café. Sa Aweng’s naman, isang nakakangawit-batok na bulalo dish ang hihigupin niya.
At bago matapos ang bisita, isang espesyal na pananghalian ang pagsasaluhan niya sa piling ng tribong B’laan, ang mga katutubo ng Gen San.

Para naman matunaw ang naipong sandamakmak na calories ng ating biyahero, tatapatan niya ito ng outdoor activities. Sa Brgy. Olympog, lalambitin siya sa nakakalulang zipline. At sa Amiskong Falls na mahirap puntahan, isang nakakapagod na trekking ang gagawin niya bago marating ang nakatagong paraiso.
Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.
More Videos
Most Popular