ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

'Biyahe ni Drew,' magbibisita iglesia sa ilang mga simbahan sa Metro Manila at Batangas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Biyahe ni Drew: Bisita Iglesia
Biyernes, March 18, 2016
8 pm sa GMA News TV
 
Ang Kuwaresma ay panahon ng pagninilay at pananalangin. Ito rin ang pagkakataon ng mga Kristiyano na gawin ang Bisita Iglesia. At ‘yan nga ang mga pagkakaabalahan ni Drew Arellano at ng buong tropa ng Biyahe ni Drew sa Biyernes.
 
 
First on the list, ang Church of the Holy Sacrifice o mas kilala bilang UP Church—isang simbahan na tila isa na ring living museum. Ang maganda pa, nasa Quezon City lang ito.  Mamangha si Drew sa arkitektura at disenyo nito na tulong-tulong ginawa ng apat na National Artists na sina Leandro Locsin, Napoleon Abueva, Vicente Manansala, at Ang Kiukok.
 
 
Next on the itinerary, ang pinakamalaking simbahan sa Maynila, ang Sto. Domingo Church. Bagamat maganda ang simbahan, ang talagang dinarayo ng mga bisita ay ang imahe ng Holy Rosary of La Naval. Katunayan, panahon pa lang ng mga Kastila, marami na ang nag-aalay ng mga alahas sa La Naval tuwing pista, tanda ng kahalagahan nito sa mga deboto. Sa Immaculate Conception Cathedral naman sa Cubao, kapansin-pansin ang kisame na pinaganda at inayos noong 2003.  Ito ang napili ng mag-irog na Marian at Dingdong para sa kanilang kasal.
 
 
Mula QC, bibiyahe ang tropa sa Balete, Batangas upang makita ang Marian pilgrimage site na Sacred Heart Tower. Replica ito ng Sacred Heart Tower sa Paray-le-Monial sa France kung saan nagpakita ang aparisyon ng Sacred Heart kay St. Margaret Alocoque.
 
 
At dahil nasa Balete na rin lang, sisilipin ni Drew ang Cintai Gardens na dinarayo dahil sa peace and tranquility nito. Paboritong wedding venue din ito dahil sa mala-Balinese nitong disenyo. Siyempre, sasampolan  ni Drew ang Southeast Asian cuisine ng restaurant habang nakaharap sa pamosong Taal Lake.
 
 
Dadaanan din ni Drew ang Lipa kung saan naruon ang Mt. Carmel Monastery na sumikat noong 1948 dahil sa pagpapakita di umano ng Birheng Maria sa madreng si Sister Teresita Castillo. Bago pa man magtapos ang biyahe, bibistahin din ni Drew ang Mary Mediatrix of All Grace Parish Church na mahigit dalawang dekada nang nakatayo.
 
 
Sama na sa pagninilay-nilay ni Drew Arellano ngayong Semana Santa sa Biyahe ni Drew, Biyernes, 8PM, sa GMA News TV.