ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Classic spots and activities ng La Union, ngayong Biyernes sa 'Biyahe ni Drew'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

 

Classic ba ang hanap n’yo?  Sa Biyernes, classic locations, classic food at classic relaxation ang handog ng Biyahe ni Drew sa La Union!

Anim hanggang walong oras ang biyahe papuntang La Union mula Maynila.  Nabuo ang La Union o “The Union” noong 1850 nang pinagsama-sama ng mga Kastila ang ilang bayan mula Benguet, Ilocos Sur, at Pangasinan.

 


Kilala ang probinsiya dahil sa mga alon nito na perfect for surfing. Buhay na buhay ang turismo rito dahil sa mga bisitang surfer na galing pa sa ibang bansa. Kaya naman hindi mawawalan ng tirahan ang mga gustong magbakasyon dito. Kung may budget ka at gusto ng mala-Greece na accommodations, sa Thunderbird Poro Point Resort and Casino ka dapat pumunta. Siguraduhin lang na may budget ka dahil medyo may kamahalan ang mga kwarto rito.

Sa Bangar, bibisitahin ni Drew ang Saint Christopher Church na sinasabing kaisa-isang simbahan sa bansa na may tatlong bell tower! Pero kung nature-tripping ang type mo, mamitas ka ng ubas sa isang vineyard gaya ng ginawa ni Drew.

 


For a bit of local flair, daanan ang mga magagandang traditionally woven blankets ng Bangar. Handloomed ang mga ito kaya talagang espesyal. Nariyan din ang mga pilak o silver jewellery na dalawa o tatlong beses na mas mura kaysa sa mga nabibili sa Maynila. Ipinagmamalaki rin ng probinsiya ang mga pottery products na pawang mga gawang-kamay tulad mga paso, palayok, at decorative items para sa bahay.

 

 


Classic Ilocano dishes combined prepare in a modern way? ‘Yan ang patok sa isang restaurant sa Sudipen na nasa dulong bayan ng La Union. You can have Bagnet in seven ways:  spicy  and garlicky, dinakdakan, sizzling, sinigang, with KBL, kare-kare at pinakbet! Kung kaya ng bulsa at ng puso mo, tikman na lahat!  Sa Thunderbird naman, nariyan ang Ilocano Pizza cheese at Vigan longganisa ang toppings.

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.