ADVERTISEMENT
Filtered By: Newstv
NewsTV

Biyahe ni Drew goes Waray!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Biyahe ni Drew: SAMAR
Biyernes, January 20, 2017
8 pm sa GMA News TV

Hindi uurong si Drew Arellano sa Biyernes sa biyahe niya sa probinsiya ng mga matatapang… ang Samar!


Sabi nila, basta Waray, hindi uurong sa away. Pero hindi lang sa away kundi pati sa kainan at kasiyahan.  Iyan ang mapapatunayan ni Drew sa pagbisita niya sa bayan ng mga Waray.

Third largest island in the Philippines ang isla ng Samar.  Aabutin din nang halos isang orase ang flight mula Maynila papunta rito.

Sa Catbalogan makikila ni Drew ang isang musikero na lumilikha ng mga awiting Waray, isa na rito ang orihinal na kantang “Balud” o  alon sa Tagalog. Inilalarawan daw ng awitin ang pagiging romantiko ng mga Waray.

Samantala, sasabak si Drew sa isang foodventure. Titikman niya ang ilang exotic Waray dishes tulad ng linabog at kandingga. Nariyan din ang local version ng Lechon de Leche, pati na ang tamalos, isang mexican-inspired dish na hindi nawawala sa lamesa kapag may fiesta.

When it comes to adrenalin-pumping adventure, hindi magpapahuli sa Samar diyan. Para sa mga spellunking enthusiast, must visit ang Lobo Cave na may habang 3.3 kilometers! Medyo mahirap lang puntahan kaya make sure to wear the proper gear. Sa Pinispisikan Waterfalls naman, apat na levels ang dapat malampasan para marating ito. Pero sulit daw ang pagod kapag nakita na ang ganda nito.
Sama na sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!